Kabanata 3
Hindi mapakali si Avery.
“Estudyante ka pa, Avery, diba? Siguradong maapektuhan ang pag-aaral mo kung magkaka’anak ka
ngayon,” nag-aalalang sabi ng asawa ni Henry.
“Oo, naniniwala din ako na masyado ka pang bata, Avery at sigurado ako na hindi niya gugustuhing
mahinto ng pag’aaral para mag-alaga ng bata!” Pagsang-ayon ni Henry.
Alam ni Rosalie kung ano eksakto ang tumatakbo sa isip ng anak at daughter-in-law niya, kaya nga
ganun nalang din siya kadeterminado na bigyan ng tagapagmana si Elliot.
“Gusto mo bang maging nanay ng anak ni Elliot, Avery?” Tanong ni Rosalie. At hindi pa man din ito
nakakasagot ay nagpatuloy siya, “Siguro naman alam mong ikaw at ang magiging anak niyo ang
magmamana ng lahat-lahat ng ari-arian ni Elliot balang araw, kaya sa tingin ko hindi ka na lugi kung
magkaka’anak kayong dalawa.”
“Gagawin ko,” Walang pag-aalinlangang sagot ni Avery.
Oo…handa siyang magka’anak kung yun ang magiging paraan para walang makuha si Cole ni isang
kusing mula sa kayamanan ni Elliot.
Isa pa, kahit naman tumanggi siya, masyadong makapangyarihan ang mga Foster kaya papahirapan
niya lang ang sarili niya kung mag’iinarte pa siya.
Follow on NovᴇlEnglish.nᴇtAbot-tenga ang ngiti ni Rosalie nang marinig ang sagot ni Avery.
“Tama yan! Mula umpisa, alam kong hindi ka kagaya ng ibang mga babae jan. Akala ba talaga nila
wala na silang pakinabang kay Elliot porket mamatay na siya?!”
Inubos lang ni Avery ang tsaa niya at nagpaalam na rin siya kaagad na uuwi.
Pero bigla siyang pinigilan ni Cole.
Sobrang ganda ng panahon pero nang sandaling makita ni Avery si Cole, parang bumaliktad ang
sikmura niya.
“Pakidala na ng mga regalo, Mrs. Cooper.” Sabi ni Avery.
Magalang na tumungo si Mrs. Cooper, at naglakad palabas ng mansyon dala ang mga regalo.
Sinigurado ni Cole na walang ibang makakarinig bago siya magsalita, “Sobrang sinaktan mo naman
ata ako, Avery! Sa tagal na naging tayo, ni minsan walang nangyari satin, tapos ngayon sobrang willing
kang bigyan ng anak si Uncle Elliot?!”
“Ang pagbibigay sakanya ng anak ay katumbas ng pagkuha ko ng kanyang kayaman, kaya sabihin mo
nga sa akin… bakit hindi ako papayag?” Nakangising sabi ni Avery, na sadyang gustong saktan si
Cole.
Kagaya ng inaasahan, galit na galit si Cole.
“Hindi naman siguro masamang ideya ‘tong naiisip ko pero paano kaya kung anak ko nalang ang
dalhin mo pero sasabihin mong kay Uncle Elliot ‘yun? Magiging Foster pa rin naman ang bata eh. Oo,
magagalit ang lola ko kapag nalaman niya, pero sa tingin mo ba ganun siya kasama para ipalaglag
niya ang bata?”
Napakunot ng noo si Avery nang marinig niya ang sinabi ni Cole.
“Maganda sa isang tao ang may pangarap, Cole, pero yung mga pangarap na hindi ginagamitan ng
isip.. Delikado yan.” Nagbanta si Avery, “Balita ko walang awa daw yung mga tauhan ni Elliot, at
hanggang humihinga siya, nasakanya ang loyalty ng mga yun. Ano sa tingin mong gagawin nila sayo
kapag nalaman nilang anak mo ang pinagbubuntis ko?”
Sa sobrang bigat ng mga salitang binitawan ni Avery, biglang namawis ng malamig si Cole.
Tama si Avery, wala ngang awa ang mga tauhan ng uncle niya, at kung may taong pinaka nakakaalam
kung gaano katindi, siya na yun.
Tahimik lang ang mga ito simula noong maaksidente si Elliot, pero hindi ibig sabihin ‘nun ay nawala na
sila.
“Ano ka ba?! Alam mo namang nagbibiro lang ako! Ang gusto ko lang namang sabihin ay anak ko man
o ng uncle ko ang dadalhin mo, Foster pa rin yun kaya kung sakali mang mamatay si Uncle Elliot,
siguro naman hindi niya kamumuhian ang bata, diba?” Pagpapaliwanag ni Cole para ipagtanggol ang
sarili niya.
Follow on Novᴇl-Onlinᴇ.cᴏmNagbuntong hininga si Avery at naiinis na sumagot, “Pinsan mo ang magiging anak ng Uncle mo.”
Biglang napalunok si Cole sa pambabara ni Avery.
“Wag na nga nating pag’usapan to sa ngayon, Avery. Saka na natin isipin ang mga bagay-bagay kapag
namatay na si Uncle Elliot.”
“Paano kung hindi siya mamatay? Kaya mo bang maghintay habang buhay?” Nakangising tanong ni
Avery.
Sa pagkakataong ito, hindi na alam ni Cole kung paano siya sasagot.
Nang oras na makita niyang hindi na makasagot si Cole, natawa si Avery at nagptuloy, “Mauna na ako.
Nagpadala ang lola mo ng doktor sa mansyon ng uncle mo para macheck up ako.”
……
Pagkabalik ni Avery sa mansyon ni Elliot, dumiretso siya kaagad sa ospital para magpacheck up.
Dalawang doktor ang naghihintay sakanya.
Kung saktong nag oovulate siya, pwede na siya kuhaan kaagad ng itlog. At kung sakali mang hindi,
may ipapainom sakanya para mag ovulate siya.
“Wag kang mag’alala Mrs. Foster. Sa umpisa lang ito mahirap pero isipin mo nalang na kapag may
anak na kayo ni Mr. Foster, wala ka ng poproblemahin habang buhay.” Pagpapanatag ng isa sa mga
doktor.
Humiga si Avery sa kama habang ang tibok ng kanyang puso ay pabilis ng pabilis.
“Gaano katagal yan?”